Pwede rin naman tayong yumaman at magkaroon ng financial freedom sa traditional business, pero bakit mas nirerecommend ko ang network marketing? Pagkumparahin po natin.
Una, in terms of capital o puhunan, mas malaki ang ilalabas mo sa traditional business. Sari-sari store. Internet shop. Pwesto sa palengke. Restaurant. Magkano ang kailangan mong puhunan to put up a legal business dito sa Pilipinas? Mababa na ang P50,000 para dyan. Sa network marketing business, ang puhunan ranges from P2,500 to P15,000, depende sa kumpanya mong sasalihan. Sa AIM Global, P7,980 ang starting capital mo. Idagdag mo na lang ang P200 sa ID at P200 sa ATM (P500 if international ATM), maliit pa rin kumpara sa traditional business.
Pangalawa, in terms of business expenses, mas malaki pa rin ang gastos mo sa traditional business. Babayad ka ng tao, kuryente at puwesto para tumakbo ang business mo. Malaki man o maliit ang benta ng business mo, tuloy tuloy ang expenses mo sa tao, kuryente at puwesto. Sa network marketing business kagaya ng AIM Global, nakaready na ang pwesto mo, 100+ business center offices all over the Philippines at meron ding branches all over the world. Ang kumpanya ang nagbabayad ng tao, kuryente at puwesto. Wala ka nang babayaran. Ang gastos mo na lang, konting pamasahe at panggalaw habang nagrerecruit ka.
Pangatlo, in terms of competition, mas delikado o risky ang traditional business. Imagine putting up a restaurant at malakas ang benta sa mga unang buwan. Dito sa Pilipinas, usong uso ang gaya-gaya. Makikita mo na lang isang araw, may restaurant na rin sa katapat mo. Mahahati na kaagad ang customer mo. Kapag lumapit kaya ang kapitbahay mo para magpaturo sa iyo para magput-up ng business na kagaya mo, magtuturo ka? Syempre, hindi. Sa network marketing business, kapag nakita ng kapitbahay mo na successful ka sa ginagawa mo at gusto rin nyang gayahin ka, no choice sya kundi lumapit sa iyo. Kapag lumapit sya sa iyo at gusto nyang magpaturo, magtuturo ka? Oo naman! Kasi, sa network marketing, mas marami kang naturuang gawin ang business at yumaman dahil sa iyo, damay ka! Mas masaya ka kung lahat ng kapitbahay mo, gagawin ang ginagawa mo.
Pang-apat, unless may nagmagandang loob na magtuturo sa iyo kung paano magpatakbo ng business, you are mostly on your own. Sarili mong diskarte. Sarili mong trial and error. Sa network marketing, may mentor kang magtuturo sa iyo kung ano ang gagawin. May maggaguide na sa iyo. Nakahanda na ang sistema, aksyon mo na lang ang kailangan. Kailangan lang maging masunurin ka sa itinuturo ng sponsor mo. Alam na nila kung alin ang mga maling diskarte at alin ang mga effective ways para kumita ka since napagdaanan na nila. Susundan mo na lang sila.
Panghuli, hindi basta-basta lalaki ang income mo kung hindi ka magpuput-up ng maraming branch, which costs more money. Kung nag-iisa lang ang pwesto mo at hindi ka nagbabranch-out, limited lang ang income mo. Imagine yung sari-sari store or internet shop sa lugar nyo. Yumaman na ba yung may-ari o nakakaraos lang din? Parang nasa employment lang din ang kita, malaki lang ng konti? Sa traditional business, kailangan mong paramihin ang branches mo para kumita ka ng malaki, kagaya ng ginagawa ng mga big players like Jollibee.
Sa network marketing, built-in na yung pagpaparami ng mga business partners mo at no extra cost. Habang tumatagal, basta huwag kang hihinto, unti-unting darami ang business partners mo na ginagawa ang ginagawa mo. Habang dumarami sila, lumalaki ang kita mo. Imagine, ang top earner po ngayon ng AIM Global na si Joseph Lim, nag-umpisang mag-isa, ngayon, 100,000+ na ang tao sa ilalim nya. Imagine kung kumita lang sya ng piso sa bawat isa sa isang buwan? P100,000 na kaagad yun, di ba? Hindi lang naman piso ang kita nya. Ayon nga po sa latest update, he is averaging P3 Million per month right now. Anong traditional business po ang alam nyo na P7,980 lang ang puhunan pero may potential kang kumita nang milyon kada buwan? Sa network marketing po, posible yan, at marami na po sa AIM Global ang naabot yan.
Kung nag-iisip pa rin po kayo kung anong negosyo ang papasukin nyo, try nyo po ang network marketing. Try nyo po ang AIM Global. Wala pong naghirap at nabaon sa utang dahil sa puhunang P7980, pero marami na po ang naging milyonaryo dito. Syempre, tinatrabaho po ito, kagaya rin ng ibang negosyo, para kumita kayo. Kung interesado po kayo kung paano ba kumikita sa business na ito, contact me here at ipapadala ko po sa inyo ang buong detalye ng business na ito.
Hanggang sa muli!