Let’s talk about rejections. Naranasan mo na siguro na yung mga taong inaasahan mong sasali sa network marketing business mo, sila pa ang magrereject sa iyo. Kaibigan. Kamag-anak. Magulang. Kapatid. Ang sasabihin pa, mauna ka na lang, balikan mo na lang ako kapag mayaman ka na dyan.
Nakakafrustrate di ba? Lalo na kung bago ka pa lang. Excited na excited ka to share your network marketing business, pero hindi mo maintindihan kung bakit hindi nila makita yung nakita mo. Bakit puro na lang negative ang nasa isip nila? Bakit ayaw nilang maniwala kahit naipakita mo nang lahat nang ebidensya na legal, moral at ethical ang pinasok mong business? Nakakarelate ka ba?
Guess what? Normal lang po iyan sa business na ito! Kung naranasan mo iyan, congratulations! Tama ang ginagawa mo. Pinagdaanan po iyan ng lahat ng mga taong nagtagumpay sa negosyong ito. Alam mo ang sikreto nila kung paano sila nagtagumpay? They nevermind the rejections! Nagtuloy-tuloy lang sila. Mareject o hindi, diretso lang!
Kahit naman po wala ka pa sa network marketing business, narereject ka na. Kapag nag-aabang ka ng dyip at puno na yung dumaan, di ba, rejections yun? Nagkiquit ka ba or maghihintay ng sunod na dyip? Nung nag-aapply ka ng trabaho, tanggap ka ba kaagad sa unang kumpanyang pinag-applyan mo? O marami kang pinag-applyan bago ka natanggap?
Kahit nga po yung Jollibee, narereject. Malaking kumpanya na yun! Imagine, lahat ba ng taong dumaraan sa harap ng Jollibee, pumapasok para bumili ng produkto nila? Di ba, hindi? Meron ngang pumasok na, nag CR lang eh! Tapos, nakasmile pa rin ang mga crew, “Thank you sir, come again!” pa ang sabi nila. 🙂
Hindi lahat ng kakausapin mo ay sasali sa iyo. Hindi lahat ng pagsishare’an mo ng business mo ay maniniwala sa iyo. Normal lang po iyan. Ituloy tuloy mo lang. May maniniwala at maniniwala din, if you persevere enough. You cannot eliminate rejections, but you can minimize it. Tama, hindi maiiwasan, pero pwedeng bawasan. Paano? Magtraining ka at magseminar palagi! Gawin ang business araw-araw. Kung nasa abroad ka, watch the video presentations, training and seminars na pinoprovide ng kumpanya mo. Usually, nasa Youtube lang yan! Habang tumatagal, gumagaling ka nang hindi mo napapansin. At kapag gumaling ka na, marereject ka pa rin, pero may mga taong maniniwala na sa iyo. At unti-unti, darami at darami rin sila. Basta, tuloy tuloy ka lang!
Accept rejections. It’s part of life. Just continue what you’re doing and if you persevere enough, success is just around the corner. 😉