• Dreamhost Banner Ad

How To Invest In Philippine Stock Market

I just like to share my knowledge kung paano ba mag-invest sa stock market sa Pilipinas. How to invest in Philippine stock market. Oo, inenglish ko lang para kay Google. 😉 Nung panahong hindi ko pa alam ito, akala ko, kelangan, maging milyonaryo ka muna bago ka makapasok dito. Kailangan, may malaki kang pera para makapag-invest ka dito. Yun pala, mali ako.

Akala ko rin dati, sobrang risky ng pag-invest dito kaya para sa mga mayayaman lang ito. Pero nung pag-aralan ko, hindi naman pala ganun karisky, depende na lang kung paano mo ito gagawin. Lahat naman ng investment, may risk.

So bago natin umpisahan kung paano mag-invest sa stock market, una muna nating alamin, ano ba ang stock market at paano ba kumikita o nalulugi dito?

I’ll do my best na gawin ito in layman’s term para maintindihan ng mga ordinaryong tao na kagaya ko.

Ano Ang Stock Market?

psei

Ang stock market, sa pinakasimpleng paliwanag, ay isang palengke kung saan ang mga tao ay bumibili at nagbebenta ng stocks. Market nga eh. Ano naman yung stocks? Yun ang ibinebenta at binibili sa stock market. Maliwanag? 🙂 Sa Pilipinas, yung Philippine Stock Exchange, Inc. (PSEi) ang stock market dito. Sa ibang bansa, meron din sila kagaya ng New York Stock Exchange sa US. Pero nasa Pilipinas tayo, kaya sa PSEi tayo. 😉

Ano Ang Stocks?

Ang stocks o shares of stocks na tinatawag ay isang porsyento ng pag-aari mo sa isang kumpanya. Yung mga malalaki kasing kumpanya sa Pilipinas, may mga shares of stocks sa stock market na ibinenta nila sa publiko. Bakit sila nagbenta? Para makakuha sila ng dagdag puhunan para sa kanilang negosyo. So, yung mga bumili ng shares of stocks na tinatawag na mga stock holders, meron ngayon silang porsyento ng pag-aari dun sa kumpanya. Yung shares na yun ang ibinebenta at binibili sa stock market. So, kung bumili ka ng shares of stocks, nagiging may-ari ka ng isang kumpanya, sort of, kasi, may porsyento ka sa stocks nila. Maliwanag na?

Paano Ka Kikita sa Stock Market?

show-me-the-money

Una, sa dibidendo. Kapag kumita yung kumpanya, pwede kang bigyan ng dibidendo. Yung dibidendo, pwedeng pera ang ibigay sa iyo or pwedeng dagdag stocks na libre na. Syempre, yung laki ng makukuha mong dibidendo, depende kung gaano kalaki or karami yung binili mong stocks. Natural, mas marami kang shares, mas malaki ang dibidendo mo kumpara sa konti lang yung shares. Gaano sila kadalas magbigay ng dibidendo? Depende na sa trip nila. Merong nagbibigay once a year.

Pangalawa, pwede kang kumita sa pabago-bagong presyo ng stocks. Simpleng rule: Buy low, sell high. Halimbawa, bumili ka ngayon ng 10 shares ng Jollibee sa halagang P200/share. So, P2000 ang binayaran mo. Kinabukasan, nagbago ang presyo ng Jollibee shares, naging P210/share. Kung ibebenta mo yung 10 shares mo, P2100 mo mabebenta. Kumita ka ng P100 in one day! That’s just a sample, pwedeng ganyang kalaki, pwedeng barya lang, at pwede ring bumaba ang presyo at malugi ka. Hindi ka naman required magbenta araw-araw eh. Nasa diskarte mo na yan.

Another example, bili ka ngayon, 10 shares ng Jollibee, P200/share. Bayad kang P2000. Tapos, natulog ka ng 5 years. After 5 years, nagising ka at P800/share na ang Jollibee , ibinenta mo ngayon yung 10 shares mo. Magkano mo ibebenta? Natural, P8000 yung 10 shares, kumita ng P6000 yung 10 shares mo in 5 years. Imagine, natulog ka lang, kumita ka ng P6000! 🙂 Sample lang yan. Pwedeng mangyari, pwedeng hindi. Yan yung tinatawag nilang long-term investing. Ibababad mo yung pera mo ng ilang taon. Mas malaki ang kita kumpara kung idedeposit mo lang sa bangko. Depende pa rin kung gaano katatag yung kumpanya na binilhan mo ng shares. Kung paggising mo, wala nang Jollibee, goodbye na rin sa pera mo. 😀

Kaya sinasabi nila, parang sugal daw ito. Hindi mo kasi alam anong mangyayari. Pero may mga diskarte. I prefer not to do regular trading, yung araw-araw nag-aabang ka ng pagtaas at pagbaba ng presyo ng shares? Basta ako, bili lang nang bili using my spare money na sa halip na idedeposit ko sa bangko, dun na lang. May mga research naman na ginagawa ang mga stock brokers para isuggest kung alin ang murang bilhin. Ano yung stock broker? Sila yung middleman mo na direkta nagtatransact sa stock market. Sa kanila ka daraan. Though may disclaimer sila na hindi accurate sa totoong mangyayari yung research nila dahil wala naman talagang nakaaalam ng mangyayari sa presyo, yun pa rin sinusunod ko dahil nagresearch naman sila. 🙂 So far, hindi pa naman ako nalugi.

Paano Mag-umpisa? Magkano Ang Puhunan?

col-financial

Yan naman siguro ang tanong mo? Nag-umpisa ako sa puhunang P5,000 lang! Oo, P5,000 lang. Yan lang ang kailangan mo kung gusto mong mag-umpisa. Hindi mo kailangan ng milyon milyon! Kung may P5,000 ka na, ang irerecommend ko sa iyo, natural, yung ginagamit kong stock broker. I can’t speak for others na hindi ko alam kung paano ang diskarte sa kanila. So, anong ginagamit ko? Yung COLFinancial.com. Online kasi sya kaya madali lang magbuy and sell ng stocks.

Anong kelangan para makapag-open ng account sa COLFinancial.com? Yung mga forms nila, kelangan mong fill-upan. Kelangan mo rin mag-submit ng government-issued ID at billing statement. Ang ginawa ko noon, just printed the form, pinaxerox yung mga requirements at pinaLBC ko na lang sa kanila. Tinawagan nila ako nung mareceive, pagkatapos, inactivate na account ko, meron na akong User ID at password. Nung ma-activate na, pwede nang magdeposit ng P5,000 na pondo, bibigyan ka nila ng instruction kung paano. Pero usually, sa mga bangko ka lang din magdedeposit. Ako, sa BDO nagdeposit. Kapag nareceive na nila yung pera, makikita mo na yun sa account mo. May pondo ka na! At yan na ang gagamitin mo pagbili ng mga shares! You can read more kung paano mag-open ng account sa kanila here. (Mamaya mo na iclick, hindi pa ako tapos.) 😀

Paano Bumili ng Shares?

Kapag may account ka na, ibrowse mo na lang yung website at makikita mo kung saan doon nagbabuy and sell ng shares. Kaya mo na yan, malaki ka na, just browse and study the website. 😉 Hint, look for “Trade”. Take note sa pagbili, kelangan mong tingnan yung Board Lot nung kumpanya. Makikita mo naman yan kapag pinili mo na yung kumpanyang gusto mong bilhin. (Wow! Yaman, bumibili ng kumpanya! 😀 ) Kung ang Board Lot ay 100, ibig sabihin, pwede ka lang bumili ng shares in multiples of 100. Pwedeng 100 shares, 200 shares, etc. Kung ang board lot ay 10, pwede kang bumili ng shares in multiples of 10. Pwedeng 10, 20, 30 etc. Gets?

Paano Ko Makukuha Yung Pera?

Isa rin yan sa tanong ko dati. Halimbawa after 5 years, kumita na yung stocks ko, paano ko makukuha yung pera? Unang una, dapat, ibenta mo muna yung stocks mo. Hindi mo sya ma-eencash kung hindi mo ibebenta. After mo mabenta, may 3-day grace period ang COLFinancial bago mo sya ma-encash. May form kang pifill-upan for withdrawal of funds, fill-upan mo lang, scan, at email mo sa kanila. May instruction naman sila. Usually, within 1 day, marerelease na yung pera mo at pwedeng ideposit na lang nila sa registered bank account mo na nakarecord sa kanila. Ganun lang kasimple.

Conclusion

Sana, naintindihan nyo itong pinagsusulat kong ito. Kung gusto nyo pang matuto, huwag ako ang tanungin nyo. Isa lang din akong simpleng tao na pumasok dyan, pero technically, ang alam ko lang na rule ay “Buy Low, Sell High” and don’t invest kung walang pang-invest. Haha! Just invest your spare money, kesa ipanggimik, ipambili ng luho o bisyo, dito na lang. Pwede ka namang magdagdag ng pondo sa COLFinancial anytime basta may extra kang pera. Hindi mo namamalayan, milyonaryo ka na pala, hindi mo pa alam. 😀

For more info, magbasa-basa muna. Sa haba ng binasa mo dito, alam kong kulang pa yan. This is just the tip of the iceberg. Magresearch ka pa! IGoogle mo lang ito: “How To Invest In Philippine Stock Market“. 😉

Update!!! (10/23/2015) Para hindi ka na maggoogle, ito ang ilan sa mga pwede nyong basahin para sa mas malalim na kaalaman:

Recommended Readings

1. New To Investing by COLFinancial
2. Building Wealth With Stocks: A Basic Guide To Investing In The Philippine Stock Market (PDF) by PSEi
3. My Maid Invests In The Stock Market… And Why You Should, Too! (PDF) by Bo Sanchez
4. Stock Market Investing Blog by Atty. Zigfred Diaz
5. Guide: Five Tips To Start Investing In The Philippine Stock Market by Danessa O. Rivera, GMA News
6. Beginner Stock Market Investing Guide by Fitz Villafuerte

Dagdagan ko pa yan kapag nahanap ko pa yung mga nabasa ko. Salamat!

Marhgil Macuha

Marhgil Macuha is a Computer Engineering graduate of Batangas State University. He is currently a Senior Solutions Developer at a Canadian IT company.

Leave a Reply