Sya: 5 years na ako sa AIM Global, hindi naman ako yumaman.
Ako: Depende kasi yan sa trabaho mo. Trinabaho mo ba o nagmember ka lang?
Sya: Kasi naman, sabi nung nagrecruit sa akin, magkakaroon daw ng office dito sa bansa namin kaya ako sumali. 5 years na, wala pa. Walang opisina, walang produkto, paano ako makakapagrecruit? Yung mga produktong ipinapadala dito, nahaharang pa minsan ng Ministry Of Health. Paano kami makakagalaw dito?
Ako: Alam mo, kung sa nakaraang 5 taon, ang inisip mo ay kung paano mo lalampasan yang mga excuse mo na yan, malamang, mayaman ka na ngayon. Hindi lang ikaw ang nasa ganyang sitwasyon, bakit yung iba, nagtagumpay at nakapagfor-good na kahit wala ring office sa bansa nila? Ang nangyari kasi, sa nakaraang 5 years, sa excuses ka nagfocus. Sa excuses kung bakit hindi ka makakapagrecruit. Imagine, 5 years kang nagdadahilan, anong resulta mo? Eh di nganga. Sino bang yumaman sa kakadahilan, may kilala ka? Wala, di ba? Bakit dyan ka nagfofocus? Focus on the problems, you get more problems. Focus on the solutions, you will get results. Ano bang ginawa mong solution dyan sa excuses mo?
Convert your excuses to challenges and do something about it, para magkaresulta ka. Kung magdadahilan ka na lang nang magdadahilan, kahit 20 years ka na sa AIM Global, wala pa ring mangyayari sa iyo.