Social Media Safety Tips For AIM Global Networkers

    Itong post na ito ay ginawa ko para maingatan natin ang ating mga sarili habang ginagamit ang social media sa ating ginagawang pagnenetwork. Mabuti na ang nag-iingat kesa sa magsisi sa huli dahil nabiktima ng mga kawatan sa social media. Kung may gusto kang idagdag, pakicomment na lang sa baba.

    Social Media Safety Tips
    Image Credit: Socialmediatoday.com

    1. Kung nakareceive ng pera for pay-ins, huwag ipopost ang tracking number hangga’t hindi pa ito nakiclaim. Baka may magclaim na iba. Picturan mo na lang at saka mo ipost kapag nakabili ka na ng Global Package.

    2. Kung ipopost ang resibo ng remittance after maclaim, iblur ang branch ng remittance center. Baka ka abangan sa susunod mong pagclaim ng pera.

    3. Huwag ipost na papunta ka na sa BCO / branch para bumili ng Global Package. Baka abangan ka dahil alam na may P7,980+ kang dala. Lalong lalo na kung 7 heads ang pay-in, huwag muna iannounce kung papunta ka pa lang sa office.

    4. Huwag ipost ang birthdate, address, TIN, SSS, etc kahit kailan sa social media. Baka mabiktima ka ng identity theft.

    5. Kung nagpadala ka ng products/ Global Package via LBC, JRS Express, EMS, PhilPost, etc, iblur and tracking number at address bago ipost sa social media. Baka may magclaim na iba.

    6. Kung magpopost ng picture na may hawak na malaking pera, make sure na nasafe-keep (nadeposit na or naitago na sa lumang baul ni lolo 😀 ) mo na ito bago mo ipost sa social media.

    7. Magpost ng totoo lamang. Walang halong yabang o kasinungalingan.

    Marhgil Macuha

    Marhgil Macuha is a Computer Engineering graduate of Batangas State University. He is currently a Senior Solutions Developer at a Canadian IT company.

    Leave a Reply