Ever since mawalan ng signal dito sa lugar namin ang Smart dahil sa bagyong Glenda, I was on the hunt for a Globe Postpaid plan that will suit my needs. Sa Smart kasi ay naka Smart Freedom Plan ako, which is literally a Zero Plan since I am only billed on the usage I acquired. Kung walang pinaggamitan for the whole month, zero ang bill, walang babayaran. Satisfied naman ako until nagkaproblema sa signal dito sa lugar namin.
Ang problema nga, bumagsak ang tower ng Smart dito sa lugar namin nung July dahil sa bagyong Glenda at nawalan ng signal. Paulit-ulit ba ako? 😀 Kalimitan pa naman na tambay ako dito sa bahay, wala talaga akong narereceive na call/text. Hanggang ngayon, wala pa ring signal dito sa lugar namin. Kaya napilitan akong kumuha ng Globe prepaid.
Ok naman ang prepaid, kelangan mo lang magpaload from time to time kapag nauubusan ng load. Tsaka may expiry pa yung load kaya kelangan mong ubusin yung load kahit di mo kelangang ubusin. Like kapag nagload ng P300, kelangan 2 months maubos mo. Kapag yung P50, 15 days lang. Sayang kapag hindi nagamit tapos nag-expire lang.
Then I found this Globe Load Tipid Plan. Postpaid plan sya kasi loloadan ka nila every month sa schedule na sinet nila, so hindi mo na kelangan magpaload. Magbabayad ka na lang ng bill. Para syang prepaid kasi lahat ng pwedeng gawin sa prepaid, pwede dito. Lahat ng rates ng prepaid, kapareho dito. Lahat ng prepaid promos like GoSakto, GoUnli, etc, pwede dito. Kahit share-a-load, pwede dito. Kapag naubos mo yung monthly load mo at hindi pa dumarating yung nakasked na load mo, pwede kang magpaload sa mga tindahan dyan sa tabi-tabi! So, prepaid nga sya. Postpaid na prepaid. Prepaid na postpaid.
Pero ang maganda dito, ang load sa Globe Load Tipid Plan, immortal! No expiry. Kung Plan 500 ka at hindi mo naubos yung P500 na load this month, example, may tira ka pang P200, at dumating na yung schedule ng panibagong load mo, dadagdag lang yun. So, magiging P700 pa yung load mo. Since immortal, kung di mo maubos-ubos, OK lang. Andyan lang yung load mo, hindi nag-eexpire. Paano mo mauubos. Diskarte mo na yan. Ipamana mo sa mga apo mo. Hehe. (Hint, di ba may share-a-load? Mamigay ka ng load. Or magbenta. Bahala ka. Hehe)
Ito pa ang nagpaganda, may libre pa syang Android phone. Kung gusto mo ng mas maganda, may mga unit pa silang discounted, depende kung anong plan ang kinuha mo. May libre, may mura kasi discounted, ikaw bahalang pumili. For a lock-in period of 24 months, pwede ka nang magkaroon ng sarili mong Android Phone with camera. Ang kinuha ko ay yung Lenovo A536 for a discounted price of P2000 dahil Plan 500 ang kinuha ko. It costs around P5900 kung bibilhin na unit lang so OK na, di ba? Nakakapagtaka, open line sya. Haha! Dual-sim na open line, so, pwede ko isalpak dito yung Smart Freedom Plan SIM ko. 🙂
Maganda pa dito, hindi mo na kailangang magpalit ng number mo. Yup! You’ll retain your prepaid number. So, walang hassle na kailangan mo pang itext mga friends mo na nagpalit ka ng number kasi nakapostpaid ka na. 🙂 Postpaid na prepaid nga lang. Pero postpaid pa rin, may free phone at may bill ka eh!
Globe Load Tipid Plan is available at Plan 300, 500, 800, and 1500. May mga free text pang kasama yan. I got mine at Globe Store at Robinsons Lipa. It’s available in all Globe stores nationwide. Requirements nya ay valid ID and proof of financial capacity, like payslip, bank statement, etc. Syempre, bayad ka rin sa initial load mo depende kung anong plan pinili mo. Alam nyo na yan.
Well, kung lagi ka rin namang nagloload for a minimum of P300 per month sa Globe prepaid mo, I highly recommend na magplan ka na rin lang kagaya nito. May free phone ka pa at di pa nag-eexpire yung load. Ayos, di ga?
For more info, visit their website. Or tumawag ka sa 211 at dun ka magtanong. May mga bagong free phone kasi from time to time, hindi updated yang website na yan. Wala nga dyan sa listahan ang Lenovo. 😀
Ito ang patalastas nila na nakita ko sa Youtube kakahanap ng postpaid plan.
Globe Load Tipid Plan Combo Commercial
Note: This is NOT a paid post. I just like sharing awesome things from time to time. Ako pa nga nagbayad sa kanila eh. 😀