Iba’t ibang tao, may kanya kanyang opinyon sa mga bagay-bagay, base sa kanilang karanasan, sa kanilang nabasa, napanood, or narinig lang.
Ang iba, kapag inalok mo ng AIM Global at malaman na networking ito, iisipin kaagad ay scam. Pyramiding yan! Scam yan! Kahit hindi pa naman nila nakita. Dahil lang kasi ito sa negative perception nila sa networking na pwedeng naranasan nila personally, or narinig nila sa ibang tao.
Pero ang tanong, scam nga ba talaga ang AIM Global?
Linawin muna natin ang term na scam. Ano ba ang ibig sabihin nito para sa iyo?
Scam, yung kukunin lang ang pera mo, wala namang ibabalik sa iyo.
Scam, yung may ibinalik nga sa iyo, hindi naman worth your money. Masabi lang na binigyan ka ng kapalit.
Scam, yung pyramiding scam, walang ibinalik sa iyo at kailangan mong magrecruit para bumalik ang perang inilabas mo.
Scam, yung hindi registered sa gobyerno, hindi nagbabayad ng tax.
Yan ba ang mga kahulugan mo ng scam? Kung yan po ang kahulugan nyo ng scam, lahat po yan ay kabaligtaran ng AIM Global.
Kapag sumali ka sa AIM Global, hindi ka pa gumagalaw, naibalik na sa iyo ang worth ng pera mo. Kahit di ka magrecruit, may produkto ka, may insurance ka, may free medical check-up ka, may lifetime discount ka na at may scholarship ka pa. Dyan pa lang, bawing bawi mo na ang inilabas mong pera. Nasa sa iyo na kung gusto mong gawin ang business or huwag na. Yung inilabas mo naman kasing pera, bawi mo na kaagad, di ba?
Regarding legality naman, registered po tayo sa SEC. At sa usapin ng tax, nagbabayad po tayo ng tax. We are even recognized by the BIR kasi isa sa malakas magbayad ng tax!
Ang video na ito, 2008 pa. Nung 2013, Top 1072 na ang AIM Global!
At ito po ang isa sa pinakamatinding proof na hindi scam ang AIM Global. Kahit po presidente ng Pilipinas, bumati sa AIM Global nung 7th anniversary. Nalathala po yan sa isang kilalang dyaryo, idouble check nyo pa sa Philippine Daily Inquirer kung duda ka pa rin! Kung scam ito, sya mismo ang magpapasara dito, di po ba?
Kung sa chess, sa mga nagsasabing scam ang AIM Global, dito pa lang, checkmate ka na. 🙂 Paano magiging scam ang isang kumpanyang binabati ng presidente ng Pilipinas? Sa tingin mo, hindi muna nya pinaimbestigahan ang AIM Global bago nya binati ito? Itataya kaya nya ang pangalan nya sa isang kumpanyang scam?
So, scam ba ang AIM Global? Itanong mo na lang kay PNOY kung duda ka pa rin. 😀