• Dreamhost Banner Ad

hello 2013

nine years ago. walang magawa sa kuwait. out of boredom. dahil sa nag-iisa sa bahay at may dial-up internet connection naman ako, naisipan kong magsulat sa isang online diary. february 2004. ang tagal ko na palang blogger.

i’ve evolved. from a simple employee ranting about his day-to-day activity in kuwait, lumipat ako sa blogspot at nagsulat naman ng kung anu anong naiisip ko. blogging whatever comes into my mind. kahit walang kwenta. may maisulat lang. trip trip lang.

noong panahong iyon, wala pang pera sa blogging. nagsusulat ang mga blogger dahil trip lang nila. passion lang. may mga nagkakaaway-away pa nga. nagkakaroon pa ng grupo grupo. kanya kanyang opinion. kahit hindi pa nagkikita ng personal, magkakasanggang dikit na. at nagkakaroon din ng mga magkakaaway.

masaya din. blog hopping. basa basa ng mga sinusulat ng iba. masaya na kapag may nagcocomment na iba. wala pa noong facebook, or kung meron man, hindi pa uso. wala pang twitter. kaya talagang kanya-kanyang sulat lang sa kanya kanyang blog.

gusto kong magsulat ulit. magblog kagaya ng dati. tamang trip lang. walang pakialam sa keywords. walang pakialam kung baka mapenalize ni Google. basta sasabihin ko lang ang gusto kong sabihin. syempre, ingat din at baka mademanda kung basta basta na lang titira ng kung sino.

2004 noon. 2013 ngayon. after 9 years. ano kayang kakahinatnan nito.

ilang beses ko nang sinabi na babalik ako sa dating gawi ng pagboblog. hindi ko matuloy-tuloy. sana, matuloy na ito.

abangan.

Marhgil Macuha

Marhgil Macuha is a Computer Engineering graduate of Batangas State University. He is currently a Senior Solutions Developer at a Canadian IT company.

Leave a Reply