Pinagsama-sama ko po ito para hindi na ako paulit-ulit nang pagsagot sa mga tanong nyo about our flagship product na C24/7. Bago magtanong, basahin nyo muna kung andito na ang kasagutan, OK?
1. Saan ba galing yang produkto nyo? Baka kung saan-saan lang ginawa yan?
Ang C24/7 po ay manufactured ng Nature’s Way, the leading herbal company in the USA. Imported po ito from the US, with Good Manufacturing Practice certificate. Ang AIM Global po ay syang exclusive distributor nito sa buong mundo. Made in the USA po ito.
2. Bakit nung uminom ako nyan, nanghina ako? Akala ko ba, pampalakas yan?
Iba’t iba po kasi ang reaction ng katawan sa pag-inom ng food supplement. Kung kakaumpisa pa lang nyo, posible talaga na manghina kayo sa umpisa, sumakit ang ulo or mahilo sa kadahilanang nag-aadjust pa ang katawan nyo sa pagpasok ng mga nutrients. Nag-uumpisang madetoxify yung katawan nyo. Ipagpatuloy lang po ang pag-inom at giginhawa rin ang pakiramdam nyo sa mga susunod na araw. Sabayan lang po ng pag-inom ng maraming tubig at pagkain ng gulay at prutas habang nag-aadjust pa ang inyong katawan upang mapabilis maalis ang toxins sa inyong katawan. Kapag nalampasan nyo ang phase na ito, sigurado, healthy na kayo at lalakas na ang inyong pakiramdam.
3. P40 per capsule, kamahal naman?
Mahal sya sa unang tingin. Pero kung kekwentahin nyo, sa halip na iinom kayo ng iba’t ibang food supplement para sa puso , sa atay, sa baga, sa mata, at kung anu ano pang bahagi ng katawan nyo, hindi bababa sa P50 din magagastos nyo. Sa P40 lang, isang kapsula, ayos na ang buto buto. 🙂
4. Bakit kailangang 1 hour bago kumain ko inumin? Di ba makasisira ng tyan ko yan?
Ang C24/7 po ay alkaline based, so hindi po masisira ang tyan nyo kung acidic kayo, maneneutralize pa nga. Bago kumain para maabsorb sya ng katawan nyo ng puro, nang walang kasabay na ibang pagkain. Kung pagkatapos po kasi kumain, makakasabay sya sa digestion at hindi lahat maaabsorb, ang iba, pwede sumama na sa poopoo nyo.
5. Bakit may nakalagay na “No Approved Therapeutic Claims”?
Sapagkat ang C24/7 po ay hindi gamot at kailanman ay hindi namin clinaim na gamot ito. Sya po ay food supplement lang, nagsusupplement ng mga kulang na nutrients sa katawan nyo. Kung may gumagaling man po sa sakit dahil sa pagtake ng C24/7, yun po ay side-effect lang sapagkat lumakas na ang katawan nyo, naging matibay ang inyong immune system na syang lumalaban sa mga sakit.
6. Kailangan ko bang itigil ang pag-inom ng gamot ko?
Hindi po. Hindi naman po kasi kami mga doktor para payuhan kayo na itigil ang mga gamot nyo. Kagaya nang nasabi ko sa taas, ito po ay food supplement lang. Pangtulong sa katawan nyo. Kung isasabay nyo ang C24/7, preferably po ay una nyo itong inumin, 1 hour before kayo uminom ng mga gamot nyo. Para matulungan yung katawan nyo iabsorb ang bisa ng mga gamot na iniinom nyo. Kung may mga pagdududa, komunsulta sa inyong doktor.
7. Hindi po ako marunong uminom ng kapsula, nahihirapan po ako. Paano ko ito iinumin?
Pwede pong buksan ang kapsula at ihalo sa tubig o sa paborito nyong juice. Para-paraan lang yan. 🙂
8. Pwede po ba yang inumin ng mga bata?
Ang C24/7 po ay may anti-aging formula. Hindi po namin inirerekomenda na inumin ito ng mga bata. Para po sa mga bata, ang inirerekomenda po namin ay yung Complete. Para din po syang C24/7, inalis lang yung sangkap para sa anti-aging.