Credit: benparr.com
SOPA. Stop Online Piracy Act. Ito ang mainit na issue sa US ngayon, kasing-init yata ng RH Bill dito sa Pinas. Pero ano nga ba ito at maaapektuhan ba ang mga tao dito sa Pinas kung maipasa ang bill na ito sa Amerika?
Majority ng mga major websites ay tutol dito. Google. Twitter. Tumblr. Youtube. Reddit. 4Chan. Bakit? Panoorin nyo na lang ito:
Maganda ang layunin. Sablay ang paraan. Kaya marami ang tutol. Sa mga kumikita online, malaki ang magiging epekto sa atin kung maipasa ito, lalo na kung majority ng mga visitors nyo ay mula sa US. Kayang kaya nila iblock ang website nyo kung may makita silang “infringing” contents sa sites nyo. Goodbye US visitors na kaagad. Patay ang negosyo.
Paano tayo makakatulong para hindi maipasa ang batas na ito? Since hindi naman tayo pwedeng makisawsaw sa kongreso nila, we can spread awareness para yung mga readers nyo na mga taga US, sila ang gumawa ng paraan. Malaman nila kung ano ba talaga itong SOPA at matawagan nila ng pansin ang kanilang mga congressman. Kaya makikita nyo dyan sa header ng blog ko, merong “Stop Censorship”. Kahit yung Batangas Today, nilagyan ko na rin. Kung paano lagyan yung website nyo nyan, just visit americancensorship.org.
Stop the Firewall of America. Stop SOPA. Kumain na lang tayo ng sopas. 🙂