Ito na ang pinakahuling post ko ngayong taong ito. Next year na ulit ako magpopost.
Just a little year end review on what happened to me. This is not in chronological order. Basta kung ano pumasok sa isip ko.
Lumipat kami ng bahay from Plantacion Meridienne to Sampaguita Homes. Mas mura kasi ang upa, syempre, dun ako sa mas makakatipid.
This year, I purchased my first ever Apple product. The iPad 2. Later, bumili din ako iPhone 4 para sa sarili ko at kay misis. Planning to buy a Macbook Pro next year, if the income permits.
This year, I moved Batangas Today to a dedicated server dahil sa hindi na makayanan ng VPS ang traffic. Salamat sa lahat ng writers na walang sawang nagsusulat at sa lahat ng readers na walang sawang nagbabasa at pumipindot sa kanilang mouse. 🙂
This year, I bought more shares sa stock market. So far, positive naman yung results. Basta bili lang nang bili pag bagsak ang presyo 🙂 Kumita na naman ako ng 10% mula nang magopen ako ng account sa Citisec Online.
This year, I joined AIM Global. Although may mga downlines na ako, kailangan pang sipagan para maging successful na next year. Joining TGX Alliance team awakens my desire to continue pursuing my dreams. Powwiirrr!
This year, nadisable ang Adsense sa Batangas Today, pero naibalik din after a week of appeal and prayers.
Hindi talaga ako multi-tasker. Kapag nagfocus ako sa isang website, napapabayaan ko yung iba. Like this blog, hindi ko na naasikaso after magboom ang Batangas Today. But anyway, the gains outweighed the losses.
Sumubok din sa real estate. Ang daming inquiry. May mga nagpatripping pa. Wala namang naclose na sale. Tinamad na tuloy. Hehe.
Bought another car. 2nd hand lang na inialok sa akin ng Tatay ko para may magamit sila.
Started paying for another real estate property. Mas madaling bumili kesa magbenta. Hehe.
Nag-umpisa na rin ako magpakonsulta sa diabetologist. Kaya kontrol na pagkain ko. 1 cup of rice per meal. Low calorie diet. Dahon diet, puro gulay daw dapat eh. Less meat. Less prito. Skyflakes every 2 hours.
Invested some money on selling authentic bags. Ako kapitalista. Si misis ang manager. Hipag ko ang seller. Bili na kayo, mura lang ang LongChamp sa amin. 🙂
I guess, that’s all for now.
Happy New Year!!!
hAppy new year marghil. Mahirap pa pasukin ang stock market.. Malaki ba kitaan?