Unlike other people na halos isumpa ang araw na magkaroon sila ng credit card dahil sa baon sila sa utang ngayon, ang credit card ay isang malaking tulong para sa akin.
Lalo na sa mga panahong ganito na ang daming sale sa mga malls pero hindi pa dumarating ang pera ko from the internet ads. Knowing na may darating naman akong pera, credit card muna ang ginagamit ko. Syempre, sinisigurado ko na within my budget lang ang paggagamitan ko. Para pag dating ng bills, fully paid sya kaagad without suffering additional charges.
I’m a credit card user for more than 5 years already. Hindi ako nagbabayad ng mga penalty since ontime naman ako magbayad sa kanila. May mga nakukuha pa akong gift certificates from them dahil sa mga points for every time na ginagamit ko sya.
Nasa tao rin naman yung paggamit ng credit card. Kung magiging problema mo ito or makakatulong sa iyo, depende rin sa pagkontrol ng tao sa kanilang kagustuhan na bumili ng mga bagay na hindi naman nila talaga kayang bayaran. Kung ikaw ang tipo ng tao na walang control sa mga bagay na binibili nya, wag ka na kumuha ng credit card. Pero kung marunong kang magbudget at alam mo magkontrol ng gastos, go on and get one.
By the way, isa lang ang credit card ko eversince. Para sa akin, tama na ang isa. Kahit may mag-alok pa sa akin ng ibang card, hindi na ako nag-aapply. Ayoko kasi nang masyadong maraming inaabangan na bills. Malito pa ako sa pagbabayad. At least, kung isa lang, ewan ko lang kung malito pa ako nyan. 😀
Tsaka kahit dagdagan pa nila nang dagdagan ang credit limit ko, hindi ko dinadagdagan ang gastos ko. The use of the credit card should be proportional with my earnings, not with my credit limit. Dagdag sila nang dagdag ng credit limit, di naman tumataas ang kinikita ko, bakit ko tataasan ang gastos ko, para mabaon ako sa utang? Tempting talaga gumastos na mas malaki kapag tinaasan ang credit limit. If you can’t handle that temptation, wag ka na lang magcredit card.