• Dreamhost Banner Ad

Wi-Fi Hotspots In Batangas

Dahil sa nangangailangan ng updates yung laugh top ko and I only have dial-up connection sa bahay namin sa Batangas, naghanap ako ng Wi-Fi hotspots. Meron akong nakita, iisa, sa Starbucks sa SM Batangas. Malas pa, dahil offline nung magpunta ako dun.

Now, I’m wondering, saan pa ba meron sa Batangas? Googling for ‘wifi hotspots in Batangas’ revealed that there is another Wifi hotspot at Microtel Suites at First Philippines Industrial Park in Sto. Tomas. Pero mukhang hindi naman ako pwedeng makigamit dun dahil sa bukod sa malayo, wala naman akong balak magcheck-in dun. Hehehe. Meron pang isa, sa aking Alma Mater Dear, Alangilan Campus. Hayan, siguro, pwede akong makigamit dyan, bibisitahin ko lang ang aking mga dating instructor, sabay connect sa internet. Hahaha! Aside from these 3, wala na akong makita.

Nakakapagtaka naman. Mukhang napag-iiwanan ang Batangas sa technology. May mga coffee shop na naman sa mga gasolinahan, yun nga lang, walang Wi-Fi network. Sana, magkaroon. Magsusummer pa naman at marami na namang tao ang dadayo doon sa aming probinsya para magswimming, I wonder if the beaches there are Wi-Fi enabled?

Hmm, parang gusto ko nang magpakabit ng Globe Visibility. Kaso, ang mahal, hindi pa kaya ng budget ko yung 2000 pesos monthly. Sana, bigyan ako ng Globe ng free Globe Visibility connection kapalit ng permanent advertisement dun sa textmates blog ko para masaya. Magparinig ba? Hehehe.

Yun lang!

Technorati Tags: , , , ,

Marhgil Macuha

Marhgil Macuha is a Computer Engineering graduate of Batangas State University. He is currently a Senior Solutions Developer at a Canadian IT company.

3 Comments:

  1. meron akong nkita nung saturday na may wi-fi na..dun sa malapit sa SM sa hilera ng vivo at totem bar & resto in front of days hotel 🙂

  2. dun sa harap ng days hotel. pwede rin dun sa lipa. dun sa malapit sa mt. carmel church may shell gas station dun. may wi-fi dun.

  3. salamat sa inyong info 😀 harap pala ng days hotel ha, baka sa days hotel mismo yun 😀

Leave a Reply