• Dreamhost Banner Ad

Usapang Laptop

For more than a year, I was a computer engineer without a computer. Walang desktop computer, walang laptop. Sa office lang at internet cafe ako nakakahawak ng computer. Bakit nga ba? Kasi, matagal nang nasira yung desktop computer ko sa Batangas, bumigay yung motherboard at tinamad na rin akong ipagawa dahil hindi ko rin naman nga ginagamit. Wala na rin namang gumagamit ng computer sa Batangas. Isa pa, wala akong extrang budget para sa computer dahil yung sweldo ko ay sakto lang pangkain, panglakwatsa at panghulog sa kotse.

Pero ngayon, na may extra na akong pera courtesy of Google Adsense plus yung napanalunan namin sa ituloy angsulong SEO contest, I finally decided to buy one. Para naman may magawa ako sa bahay sa gabi. Para naman makapag-aral ako ng bagong programming language. Para naman maisakatuparan ko ang mga plano ko pang gawing website na pwedeng pagkakakitaan without using the office resources. Hehehe. Para naman maging freelance SEO practitioner na rin ako. Paano ako magkakaclient kung ni computer, wala ako, di ba?

Well, laptop na po ang naisipan kong bilhin. Noon pa naman, sinabi ko na sa sarili ko na kung bibili ulit ako ng computer, laptop na bibilhin ko. Para bitbit kahit saan. I already ordered one kanina at bukas ay makukuha ko na. Abangan na lang bukas ang laptop that spamming kapipindot sa keyboard bought.

Yun lang!

Technorati Tags: ,

Marhgil Macuha

Marhgil Macuha is a Computer Engineering graduate of Batangas State University. He is currently a Senior Solutions Developer at a Canadian IT company.

2 Comments:

  1. Good investment yan 😀 ang laptop ko ka stand-by nlang after i bought a more powerful desktop. Bili ka na rin ng desktop soon para sa massive downloads mo.

  2. ayos ah, congrats! hehe

Leave a Reply