Kagabi. Ako lang ang pasahero sa dyip. May sumakay na tatlong babae, teenager. Nagbayad, beinte pesos. Sabi nung isa, “Dalawa lang po, kalong ang isa.” Pero hindi naman nakakalong. Napailing na lang ang driver. Kung ako yung driver, pabababain ko naman yung isa, or pakakalungin ko nga. Gigimik sila nang kulang ang pamasahe? Alam ko, mahirap ang buhay ngayon, pero kung wala ka na ngang maipamasahe, tumambay ka na lang sa bahay. Paano pag-uwi nun? Kalong pa rin? Nagtatrabaho si manong driver nang matino, tapos, hindi ka magbabayad ng sakto? Di ba?
Yung dyip naman namin sa Batangas, nagrequest yung driver namin na lagyan daw ng stereo. Ibinili naman ng tatay. Bakit? Kasi daw, yung mga estudyante, nakasakay na, lumilipat pa kapag yung kasunod na dyip, may stereo. Kasi naman, sa tindi ng traffic from Bauan to Batangas, nakakainip talaga kung wala kang naririnig na sound kundi tunog lang nang makina ng dyip. Ganun din yata ang gawain ko nung estudyante ako. Hehehe. So, hayun, medyo sosi na yung dyip namin ngayon, at hindi na lilipat sa ibang dyip ang mga estudyante.
Yung kotse naming Nissan na kulay puti, naipagbili na ng tatay. Yun yung kotseng ilang taon ko ring ginamit kapag pumapasok nung college. Nakagarahe lang kasi doon sa bahay, wala namang gumagamit, baka masira lang. Ibinenta nya ng P40,000. Tapos, nung makita nya ang binili kong laptop at malaman nya ang presyo, ang comment nya, “Mas mahal pa pala yan dun sa kotse.” Hehehe.
Yun lang!