Kahapon, I went to Powerbooks para bumili ng Tikman Ang Langit. Ang aklat na collection ng essays about Eraserheads. Essays na ginawa daw ng mga fans. Dalawa ang binili ko, nagpabili rin kasi si Boy Dapa sa akin. Nung isang linggo pa kasi nya hinahanap yang book na yan. Kagabi, sakto namang may dalawang available kaya binili ko na pareho.
Pagdating sa bahay, binasa ko na. At tapos ko na syang basahin. Ang masasabi ko, ok naman. Since it’s a collection of essays, iba’t ibang style nang pagsusulat ang mababasa mo. Merong sobrang haba nang sinulat na nakakainip basahin. Meron namang sobrang pacute na nagpapatawa sa pagkukwento pero corny naman ang dating sa akin. May mga totoong fans talaga, na nakakarelate ako sa mga sinasabi nila. Pero mayroong isang hindi ko alam kung nagpepretend lang sya, or nagkamali lang sya na nakalusot sa editor. Sabihin ba naman na yung cover daw ng Circus na album ay yung Jellyfish. Sa pagkakaalam ko, Cutterpillow yun! May isang essay naman na masyadong malalim ang mga English na sa sobrang lalim, hindi ko mahalukay na kailangan ko pang tingnan sa dictionary ang sinasabi nya. Na tinapatan naman ng sobrang lalim na tagalog na essay, at ang nakakatawa, magkasunod pa sila. As in, pagkabasa mo ng malalalim na English, mapapasabak ka naman sa malalalim na Tagalog. May isang bading na nagsulat kung paano sya natuwa sa kantang Hey Jay. May isang babaeng nagdiscuss ng iba’t ibang klaseng babaeng binuhay ng eraserheads sa kanilang kanta. Ok na sana, it showcased how Eraserheads in one way or another touched their lives sa pamamagitan ng kanilang mga kanta. Nakakapagtaka lang at may napasamang isang essay na hindi naman sya fans. Isinulat lang nya kung ano-anong mga nakita nya sa internet when he googled Eraserheads. Puro quotation lang ng nabasa nya sa mga website na nakita nya. Natural, dahil hindi naman sya fan ng E-heads. Ang tanong ko lang, bakit sya napahalo dun? Mas maganda sana kung si Boy Popoy or si Mrs. Boy Dapa ang napahalo dun eh.
Anyway, if you are a certified E-heads fan, this book is for you. Bili na kayo sa inyong suking tindahan ni Aling Nena. Hehehe. Available sya sa Powerbooks at National Bookstore.
Want more? Here is the book launch news on Inquirer.
Here is the book launch video from Youtube:
Yun lang!
Technorati Tags: Eraserheads, Tikman Ang Langit
Salamat sa comments mo. Buti nag-tiyaga kang basahin.
@cyberbaguioboy… salamat sa iyong pagdaan, at salamat din sa pagfeature ng aking review sa tikman ang langit blog 😉
san po ba nabibili itong tikman ang langit book na ito ? really love eraserheads since i was in my elementary years ! kung sa totoo lang kinder lang ako noon nung sikat ang eraserheads till my 1st year high school !
A very good work, thank you for sharing.
power talaga ang launch..marcus appearance rise the occassion galing ng essays.di mapakali mag damag hinahanap…more power mga pare