Gabi na, at ngayon pa lang ako makakapag-update. Medyo busy sa trabaho. Yung exercises sa AS/400 na sa Wednesday ang deadline, tinapos ko na ngayong maghapon. Para petiks na ako hanggang Wednesday. Hahahaha!
Let’s talk about politics. Anong masasabi nyo sa mga artistang gustong maging pulitiko? Ako, depende yan sa posisyon na gustong takbuhan. Ok lang siguro na tumakbo silang mayor, or gobernador, huwag lang senador or congressman. Bakit? Kasi, kung mayor sila or gobernador, tagapagpatupad sila ng batas. At dahil sa karisma nila sa tao, marami silang magagawang project, na siguradong susuportahan ng mga tao. Tingnan nyo na lang si Vilma, si Lito Lapid nung hindi pa sya senador, si Jinggoy at Erap nung mga mayor pa sila. Effective sila sa ganung posisyon. Pero kung sa senado na sila tatakbo, ibang usapan na yan. Senators ang Congressmen are lawmakers. Kailangan, may alam ka sa batas. Sa Senado at Kongreso nangyayari ang debate at kung ano anong diskusyon sa paggawa ng batas. Ano namang magagawa ng mga artista pagdating sa Senado? Anong alam nila sa batas? Pagtatawanan lang sila at paiikutin ng mga kasama nilang abogado. Look at our artista senators today. Di ba, nagmumukha lang silang tanga dun?
Natawa lang ako sa sinabi ni Richard Gomez kagabi sa Palaban. He feels daw na sa Senado ang kanyang destiny. Nakanang ewan! Natawa ako nang barahin sya ni Mareng Winnie, kasi, sabi nya, isa sa magiging project nya, toothbrush campaign para sa mga kabataan. Sabi ni Winnie, you don’t have to be a senator to do that. Oo nga naman!
Well, sa mga darating na araw, magiging artista na naman ang mga pulitiko at maglalabasan sa TV at ang mga artista, mangangarap na namang maging pulitiko. Ang saya!
Pahabol, yung friend ko, gusto na rin daw kumita sa Google Adsense, hayun at nagstart na rin ng sarili nyang niche blog. Dalawin nyo naman sya! Click here.
Yun lang!
Technorati Tags: Philippine politics, elections
Ive said my piece in one of my posts.. and i strongly agree with u.. look at lito lapid, bong revilla??? may nagawa na ba silang batas??? as far as i can remember wala pa. a very good example is tito sotto.. sa tagal nia sa senado khit jaywalking na law hndi naisabatas hahaha