This is the continuation of my previous post.
When you sign-up on Adwords, you will automatically be enrolled on their Starter Edition. You have the option to stay on the Starter Edition or to upgrade on the Standard Edition. Starter Edition doesn’t give you full control, it has limited features that I suggest you immediately upgrade to Standard Edition after signing up.
Fees? You’ll have to pay Php 300 initially as activation fee. After that, all your ads will start displaying on Google.com for the keywords you bidded on. Of course, you’ll have to pay for each click on your ads.
Now, let’s go on ads creation. Ano bang ads ang patok? Catchy ad na takaw click. Takaw click, pero yung nagclick, interested talaga sa ads mo, hindi madidisappoint na after clicking your ads, hindi naman pala para sa kanya yung advertisement mo. Nagbayad ka na sa Google, tapos, walang kwentang visitor naman ang nakabasa ng blog post mo. So, paano?
Well, here is my formula: Results, Requirements and Action. Dapat, yang tatlong yan, makikita sa ads na ginawa mo. I’ll give you an example sa ginawa kong advertisement. Here is a screen shot of my Adwords ad in action.
Results: Sabi ko sa advertisement ko. “Ala Eh, Kumita Ako.” Yan pa lang, catchy na kaagad. At kahit naghahanap lang ng tagboard yung makakabasa ng advertisement ko na iyon, kung problema din nya ang pera, it could get his attention, right? Kikita daw eh.
Requirements: So, nabasa nya na kikita pala sya. So, syempre, magtatanong yan sa isip nya. Paano? Hindi pa nya ikiniclick yung ads ko, may sagot na kaagad sa tanong sa isip nya. Sabi ko kasi sa ads ko, “Basta may blog ka, kikita ka!” So, kung ako yung naghahanap ng tagboard para sa isang website at hindi para sa isang blog, kapag nabasa ko yun, hindi ko na ikiclick yung ads na yun, kailangan daw, blog eh. Di ba? So, nakatipid ako ng bayad sa Google. I’m sure na yung magkiclick lang nung ads ko, yung gustong kumita na may blog, di ba? Kung nagclick sya dun sa ads ko at wala syang blog, maybe it’s just out of curiosity, or malamang na may friend syang blogger na pwede nyang pagkwentuhan ng nabasa nya, di ba?
Action: Sabi ko, “Sign up na!” That’s the action. Gusto nyang kumita, may blog sya, at kailangan syang magsign-up. Kung ikaw ay blogger, pero hate mo ang magsign-up sa kung ano-ano, hindi mo na ikiclick yung ads ko, di ba? Doon pa lang, bawas click ka na naman sa mga blogger na tamad magsign-up. Pero kung after nyang mabasa yung lahat at iclinick nya pa rin yung ads ko, aba, potential referral ko na yan. Hehehe.
So, sa ad creation pa lang, nafilter out ko na ang mga gusto kong bumasa ng blog post ko. Mga blogger na gustong kumita na ok lang magsign-up. Yung mga nagclick ng ads ko, yan ang profile nila. So, mataas ang chance na yung makakabasa ng post ko about Blogtoprofit, mag-sisign-up din sila, di ba?
Bakit daw tagalog yung ginawa kong advertisement? Kasi po, tagalog yung landing page ko eh. E kung English yun, eh di pati Amerikano na gustong kumita sa blog, ikiclick yun. Tapos, pagdating sa blog ko, hindi naman nya maintindihan ang sinasabi ko, nasayang lang ang sampung piso ko sa kanya. Di ba? hehehe.
So, hayan. Hayan ang strategy ko. Well, kung ano-ano ang mga keyword na binid ko, secret na lang yun. Basta ang clue, keyword na malimit isearch ng mga blogger. Kagaya nga nung tagboard. Ano pa ba? O, isa pa. Gravatar plugin. Yung mga may WordPress blog na naghahanap ng gravatar plugin, sigurado, sinesearch yan. Kayo na lang ang mag-isip ng iba pang keywords. Common sense lang yan. Blogger din naman kayo, di ba?
Yun lang!
Technorati Tags: Google Adwords
salamat dito kuya… mag sign un dn ako at tnx for all the tips..:)