I’ve mentioned on my previous post that I actually earned more on Blogtoprofit because of Google Adwords. Ano ba naman itong Google Adwords? And why does it work? Effective ba talaga sya?
I guess, the techie guys on the internet already know about it. And I think I can explain it better here in Tagalog, para maintindihan ng common tao. Hehehe.
Ganito lang naman yun. Kapag nagsearch ka sa Google ng kahit anong term, napansin nyo na ba yung Sponsored Links sa right side of the search results? Like if you search for the word blog, aside from the search result na makikita mo, makikita mo yung Sponsored Links sa right side. Yun ang mga advertisement na ginawa ng mga Adwords advertiser. At sisingilin lang ng Google ang mga advertiser if someone clicks on their ads. Pay per click sya. Kaya kahit isang libong beses napadisplay yung advertisement mo sa kanila, pero dalawa lang yung nagclick, you will just be billed for the 2 clicks. Magkano ba ang isang click? Depende sa popularity ng keyword. Merong 2 pesos lang, at meron namang 20 pesos isang click. Depende nga yung kung sikat yung keyword mo. I only bid on keywords up to 10 pesos per click. Nagtitipid eh. Hehehe.
So, paanong ginawa ko? Ganito lang. Since ang target ko ay mga blogger, doon sa mga keyword na madalas hanapin ng blogger ako nagadvertise. Kagaya ng tagboard. Kapag ang isang tao, naghanap sa Google ng tagboard, malamang, blogger sya, di ba? Malamang, may blog sya na gusto nyang lagyan ng tagboard, tama? So, habang naghahanap sya ng tagboard at napansin nya yung advertisement ko na pwede syang magkapera sa blog, ikiclick kaya nya? Syempre depende sa tao yun. Pero kapag clinick nya yun, sigurado, may blog sya at interesado syang magkapera. Hehehe. Kapag clinick nya yun, makakarating sya sa post kong ito, at kapag naengganyo sya at nagsign-up, at ginawa yung link assignments, kumita na ako ng 800 pesos.
Nagbid rin ako dati sa keyword na ituloy angsulong dahil alam kong mga galit sa pera ang nagsesearch nun. Kaya nga sila sumali sa SEO contest na yun, para kumita, di ba? Ang problema, ang mahal na ng keyword na yun, 20 pesos na. Kaya tumigil na ako sa keyword na yun. Ang dami pa namang ibang keyword. Hehehe.
So ganun lang. Since ang budget ko sa Adwords is 1500 pesos in a month, at ang maximum bid ko nga is 10 pesos per keyword, I’ll have a minimum of 150 persons reading my blog post. At sa 150 na yun, napakamalas ko na kung wala kahit isang magsign-up. As of now nga, may 2 na akong recruit kaya ROI na ako. Yung mga darating pang sign-up, kita ko na.
How do you sign-up sa Google Adwords? Simple lang. Punta ka lang sa site nila, and sign-up. Kailangan lang, may credit card ka para mas mabilis ang processing. Sa credit card mo na nila ikaw ibibill.
Kapag nakasign-up ka na, madali na. Pwede ka nang magbid sa mga keyword na gusto mo. Of course, you need to create your own advertisement para makaakit ng bisita or ng click. I’ll make a separate post kung paano gumawa ng catchy advertisement. Well, something that worked for me, pero no guarantee na it will work for you. Basta, isheshare ko na lang, ok?
Itutuloy ulit…
Technorati Tags: Google Adwords, Blogtoprofit
wow gusto ko to!!! aabangan ko muna ung post mo giving us tips pra makacreate ng catchy ad saka ako mag sign up! kumita dn naman ako sa blog2profit at gs2 ko pa kumita uli hehe. bkit nga ba kc isang set of links lang bnibgay nila?? sna monthly pra may monthly income…