Andito ako sa office. I just finished another exercise on AS/400. Kaya medyo pahinga muna.
Someone contacted me yesterday. Gustong makipagkita. Turuan ko raw sya kung paano magoptimize ng blog nya. Gusto ring kumita. Nakuha nya ang number ko sa girlfriend ko. Friend sya ng girlfriend ko. So, ok lang. I will meet him this Friday. Ano bang ituturo ko sa kanya? Spam and jam lang naman ang ginagawa ko. Hehehe. Link exchange. Directory submission. Forum signature. Tapos, repeat until you succeed.
Election na ang atmosphere dito sa Pilipinas. At sabi nga ni Qroon, this is the best time to start a business. Bakit? Ang bilis daw ng processing ng government papers. Yung mga mayor’s permit, barangay permit at kung ano ano pang permit, ang bilis iprocess ngayon. At si mayor pa mismo ang haharap sa iyo para pirmahan yung permit mo. Hehehe. Nagpapapogi. Parang gusto kong magregister ng bagong business ngayon ah. Ano bang maganda? Dumaan kasi ang 2006 at hindi ko pa nasimulan yung iniisip kong business. Siguro, pwede na ngayon.
Kahapon pa akong sinisipon. Nakatatlong tableta na ako ng Neozep. Hindi pa rin ako magaling, magaling, magaling! Exagerrated talaga yang mga patalastas.
Yun lang!
Technorati Tags: blog optimization, philippine election, neozep
kuya magkano ba ang serbisyo mo kung sakaling kunin kita???????
@Yen… wahahaha! libre lang, basta ba bibigyan mo ako ng visa dyan sa qatar. 🙂
kuya, seryoso??? libre lang??? ung visa… bbgyan kta ng visa… pero penge muna pang bili hahahaha… kelangn ba ng physical presence pg nagpatulong ako???