We were at the SM Mall Of Asia last Saturday night. At nakauwi kami, Sunday morning na. Grabe, I experienced the heaviest traffic ever in my driving career. Nasa parking lot na kami around 11:30PM at the 4th level. At nakalabas kami nung building, from 4th level hanggang ground level, 2:00AM na! Ganun katraffic. Ganun karaming sasakyan. Ang dami kasing taong nanood nung Pyroolympics. Siksikan. Humanap pa nga ako ng pwestong medyo safe kami, yung tipong kapag nagkaroon ng stampede e mabubuhay pa kami. Well, natuloy ang Pyroolympics, and as expected, napapawow ang mga tao sa bawat pagputok ng mga paputok. Sino bang nanalo? Ewan ko, hindi na namin hinintay ang panalo eh.
Last Sunday night naman, we were at Glorietta. Nanood ng Kasal, Kasali, Kasalo. Nakakatuwa. Nakakatawa. May istorya. I’m not a Juday or Ryan Agoncillo fan, maganda lang talaga yung istorya, pati delivery ng mga linya. A must-see movie para sa mga magsing-irog na nagbabalak nang magpakasal.
After watching the movie, we went to Pizza Hut to order some pizza for take out. Napansin ko lang, double standard sila. Iba pa rin ang treatment nila sa foreigner at sa kapwa Filipino. Pagpasok pa lang namin, sinalubong na kami nung isang babae sa harap, at nung sabihin namin na oorder kami for take-out, dumiretso na lang daw kami dun sa counter. Pero habang naghihintay kami ng inorder namin at may dumating na foreigner na oorder din for take-out, aba, at sa halip na sabihin na dumiretso sa counter, pinaupo sa table, kinuha ang order at yung babae ang umorder sa counter. Ang nakakaasar pa, gusto pa kaming paalisin nung isang crew doon sa table na inuupuan namin habang hinihintay yung inorder namin dahil may dumating na mga bagong customer. Aba, hindi na ako pumayag dun. Nung kinausap ako ng crew if we can vacate the table daw for the new customer, sabi ko, hindi pwede. Customer din nila kami and we are waiting for our order. Hindi bale sana kung naglaan sila ng waiting area for take-out. Eh wala naman eh. Alangan namang tumayo kami doon sa harap na parang mga tanga habang hinihintay yung inorder namin, di ba? Well, tameme lang yung crew na sinagot ko. Hehehe. Dahil sa pangyayaring yan, hindi na ulit ako oorder sa branch ng Pizza Hut na yun. Double standard. Iba ang treatment sa foreigner at sa kapwa Filipino. Malulugi rin kayo. =)
Yun lang!
Technorati Tags: World Pyroolympics, SM Mall Of Asia, Pizza Hut Glorietta, Kasal Kasali Kasalo
UK ang nanalo! ewan ko kung sino 2nd at 3rd, walang balita sa site ng pyro eh! bandwidth exceeded eh! hahaha
@jsonv… nagpunta nga ako dun sa site nila, bandwidth exceeded nga. hehehe
woist wala kang lingkage dito? lagay ka add mo ko! hehehhe
nga pala tulungan mo nga dyan sa gravatar na yan di ko malagyan yung sakin eh! ayaw gumana!
Taga Sisters of Mary ka rin? What batch are you? If yes, ako taga SOM din, 2nd batch. If not, never mind hehe…
Anyway, thanks for visiting my blog. Sige, I will add you up sa blog ko. Nice blog, and may sarili ka pang domain name. Whew! 🙂
oo nga, bandwidth exceeded ang website..
anyhoo, napakawalanghiyang crew yan. baket kailangan special treatment sila sa foreigner? di tama yon..
@jsonv… wala pang time gumawa ng linkpage eh. hayaan mo, next week. re: gravatar, download ka lang ng plugin, tapos activate mo, insert ng konting code sa template, and you are all set. kayang kaya mo yan
@alexander… never mind. hehehe. hindi ako taga run. salamat sa pagdalaw!
@cher kulet… tama ka dyan, hindi tama yung ginagawa nilang special treatment sa foreigner.