• Dreamhost Banner Ad

Don’t Work For The Money

I’m not going home to Batangas this weekend. Dito na lang muna ako sa Makati. Reason? May Blog Parteeh eh, kung uuwi ako, para lang akong nag-aksaya ng pera. Uuwi ng Saturday night, babalik ng Monday morning? No way. Dito na lang ako sa Manila. Tiba tiba na naman yung WashupDoc, ang laundry shop na pinagpapalabhan ko ng aking mga damit kapag hindi ako umuuwi. Kasi naman, minimum of 3 kilos sila, eh, hindi naman umaabot sa 3 kilo yung mga damit ko, mga 1 kilo lang, pero ang bayad ko, pang 3 kilos. Sabi ko nga, dapat, maglaba sila ng dalawang kilong hangin, dahil nagbayad ako ng extrang dalawang kilo. Hehehe. Anyway, ok lang, kesa naman sa ako ang maglalaba.

Don’t work for the money, let the money work for you. Yan ang payo ni Kiyosaki sa kanyang Rich Dad Poor Dad na book. Ang problema, how can the money work for me if I don’t have one? Di ba? Magaling sya, mapera na sya. Well, I think, mas tama na sabihing work for the money first, and then, let the money work for you afterwards. Maghanap ka muna ng pera bago mo pagtrabahuhin ang pera para sa iyo, di ba? Suggestion pa nila, use other people’s money. Magloan sa bangko. Kaso, ang problema naman sa bangko, they will give you the money if you can prove that you don’t need one. Hehehe. Di ba? So, paano yan?

Well, my plan is to work for money until I’m 30. And then, yung naipon kong pera, I will let them work for me na. Magnenegosyo, at kung ano ano pa. Well, hindi naman ako basta basta pumapasok sa negosyo. Pinag-aaralan ko muna. Plan ko rin naman na before I reached 30, I’ve acquired some financial education that I need to start a business. Mahirap nang pumasok sa isang bagay na wala akong kaalaman. I’ll invest on knowledge acquisition first. Para kung ano man ang kahihinatnan, hindi ko sisisihin ang sarili ko na pasok ako nang pasok eh wala naman akong alam.

Ngayon, I’m currently reading Why We Want You To Be Rich ni Donald Trump and Kiyosaki. Binabasa ko rin yung Go Negosyo book ni Concepcion na nabili ko sa National Bookstore nung isang araw. Basa muna nang basa, aral nang aral. Bahala na si Lord bukas.

Yun lang!

Technorati Tags: , , , ,

Marhgil Macuha

Marhgil Macuha is a Computer Engineering graduate of Batangas State University. He is currently a Senior Solutions Developer at a Canadian IT company.

3 Comments:

  1. Employee and the Self Employed work for Money while the Money works for Business Owners and Investors. Make Money work for you.. Thanks for the article my friend. Keep updating us with latest pots.

  2. batangueno here as well. 😛

    see you at the party.

Leave a Reply