• Dreamhost Banner Ad

Meet The Parents

It’s Friday once again, at wala na namang pasok bukas. Ang bilis ng pagtakbo ng oras kapag may ginagawa. Kung dati ay halos gusto kong hilahin ang oras dahil sa naiinip din naman ako habang walang ginagawang masyado dito sa office kundi ang manood ng video sa youtube at magblog, ngayon naman ay akala ko ay kakaupo ko lang para gawin yung assigned task ko, aba, at magaalas-sais na pala! Bakit ganun? Bakit hindi mangyari na yung gusto natin ang nasusunod, para mas masaya. Yung wala kang ginagawa tapos ang bilis ng oras. O kaya naman ay ang dami mong ginagawa pero ayos lang dahil parang ang bagal ng oras? Di ba? Hehehe.

Bukas, uuwi ako ng Batangas. Pero mga after lunch pa dahil hihintayin ko pa na lumabas sa opisina nila yung girlfriend ko. Isasama ko sa Batangas nang mameet naman nya ang aking mga kapamilya at kapuso na rin. Hehehe. Mamamanhikan na yata sya. Hahaha! Baligtad ata. First time nya makakarating ng Batangas, first time nya makakasalamuha ang mga kapamilya ko. Ano kayang mangyayari? Magkasundo kaya sila ng mother ko? Siguro naman, hindi pa nga sila nagkikita eh magkachokaran na sa telepono eh. Hehehe.

Pagpatak ng alas-sais, aalis na ako dito sa office. I’m going to meet someone. Yung binanggit ko sa post na ito. Tuturuan ko lang naman syang mangspam. Hehehe.

Happy weekend!

Yun lang!

Technorati Tags:

Marhgil Macuha

Marhgil Macuha is a Computer Engineering graduate of Batangas State University. He is currently a Senior Solutions Developer at a Canadian IT company.

8 Comments:

  1. Hey! sure =p exchange link sounds good haha. thanks =p i’ll be reading your blog. hahaha. sige bye.

  2. wow… meeting the parents is nakaka-kaba and nakaka-excite.. ๐Ÿ™‚

    ang oras, ang hirap intindihin. parang layp… ๐Ÿ™‚

  3. wow meet the parents na ang leveling nito… whoa… goodluck… sbhn mo bg naman siya mamanhikan, dapat haranahin ka muna nia ahahahah…

  4. daba insan nagpunta ka ng Davao, so mas nauna ka namanhikan ahaha! so ano na next? basta kasali ako sa entourage ha ๐Ÿ™‚

  5. sosyal… meet da parents.. thrill yun!

  6. Tito Aga!

    Tagal ko na di bumibisita hehehe. Amfafa.. nag-aaral ka pala ng AS400. Haneph!!! Pampalaki ng sahod yan ah.. kelan ka ba ulet magpapamudmod ng pera?

  7. avah e baka nga mamamanhikan na ๐Ÿ™‚

  8. Sadyang gay-an parekoy. Tiis-tiis laang at makakahanap rin kata ng sarap…

    OT:
    Ay ka-galing naman. Ikaw pala’y Batangueรƒฦ’ร‚ยฑo rin eh. Saan ka ga nakatira?

Leave a Reply